Nagsimula na ngayong linggo ang pagpapatuloy ng edukasyon sa Dibisyon ng Sarangani.

Matapos ang maikling bakasyon, balik-serbisyo na naman ang kaguruan sa pagbubukas ng ikalawang kwarter.

Si Teacher Annalie Magallanes ng Talus Elementary School sa Malungon, Sarangani Province ay ginamit pati ang ilang araw ng bakasyon upang ihanda ang self-learning modules at learning activity sheets para kanyang mga mag-aaral.

Sa Latian ES school, kasabay ng mga modyul, namimigay rin si Teacher Josenia Cambarijan ng mga pakete ng Milo Energy Drink at school supplies.

Ang mga guro naman sa Kiahe Integrated School sa bayan Malapatan, sinuong muli ang peligrosong paglalakbay upang maihatid ang mga module sa kanilang mga mag-aaral.

Ganuon din ang guro sa Green Valley Integrated School sa bayan Kiamba – balik sa pagtahak sa mapuputik na kalsada upang maipatupad ang school-based feeding program.

Batid ng pamunuan ng Dibisyon ng Sarangani ang mga sakripisyong bahagi na pagsisilbi ng mga guro.

Upang matugunan ang ilang pangangailangan, lalo na sa produksyon ng self-learning modules, sinagot na ng Dibisyon ang pag-hahanda at pag-imprenta ng Learning Activity Sheets.

Dagdag pa ni Gulam, ang LAS ay isang supplemental material na gagamit kasabay ng ibang learning delivery modality.

Maari itong i-pares sa radio-based instruction, online learnig, at maging sa LR on WHEeLS na ngayon ay pinapalaganap na rin sa iba pang mga paaralan katulad ng Algeria National High School, Alegria Elementary School, at Pag-asa Integrated School.

Upang maibsan ang gastos sa produksyon ng LAS, namigay ang DepEd Sarangani ng mga printer para sa lahat ng paaralan.

Isang orientation tungkol sa tamang paggamit at pangangalaga sa mga printer ang isinagawa nitong Miyerkules upang masigurong hindi masasayang ang investment ng Dibisyon para sa mga nasabing printer.

Sagot na rin ng Dibisyon ang pagre-reproduce ng LAS simula sa ikalimang linggo nitong taon.

Ang mga soft copy naman ng LAS ay maaring i-download ng mga guro sa website ng Dibisyon ng Sarangani.

Share this