Para kay DepEd Assistant Secretary for Field Operations Francis Cesar B. Bringas, matagumpay ang pagbubukas ng face-to-face classes sa Sarangani at maging sa buong Rehiyon Dose.
Ito ay personal niyang nasaksihan sa kanyang pagbisita rito nitong ika-22 at 23 ng Agosto.
“Bakit successful?” retorikal niyang tanong bilang bahagi ng kanyang mensahe sa isang maikling pagtitipon sa Malandag National High School sa bayan ng Malungon kahapon.
“Bakit successful?” retorikal niyang tanong bilang bahagi ng kanyang mensahe sa isang maikling pagtitipon sa Malandag National High School sa bayan ng Malungon kahapon.
“Kitang-kita sa attendance ng mga bata, kitang-kita sa attendance ng mga guro, at kitang-kita sa mukha at mga mata ng bawat estudyante at guro na nakita ko sa loob ng paaralan kung gaano sila kasaya at kung gaano sila ka-determinado na gawing matagumpay ang face-to-face classes,” paliwanag niya.
Dagdag pa ni Asec. Bringas na pinipili niyang bisitahin ang mga malalaking paaralan dahil ayon sa kanya, kung kayang gawing maayos ang pagpapalakad sa mga malalaking paaralan, lalo’t higit na kayang-kayang pamahalaan nang maayos ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga maliliit na paaralan.

Sa kanyang paglilibot umano sa mga malalaking paaralan sa Sarangani – sa Malandag Central Elementary School SPED Center at Malandag NHS – at maging sa iba pang mga paaralan sa South Cotabato, Sultan Kudarat, Tacurong City, General Santos City at Koronadal City, wala siyang nakitang mali o kailangang gawin na hindi matutugunan sa lebel ng mga Sangay o ng Rehiyon.
Kaya lubos ang kanyang paghanga sa pamumuno ni Regional Director Charlie D. Rocafort, CESO V ng Rehiyon Dose at Schools Division Superintendent Gildo G. Mosqueda, CEO VI ng Sangay ng Sarangani.
Kaya lubos ang kanyang paghanga sa pamumuno ni Regional Director Charlie D. Rocafort, CESO V ng Rehiyon Dose at Schools Division Superintendent Gildo G. Mosqueda, CEO VI ng Sangay ng Sarangani.
“Magdadala ako ng magandang balita kapag sinulat ko na ang aking report sa Central Office,” aniya.
“’Pag nakita lang sana ng ating mga national media ang estado ng pagpapalakad ng face-to-face [classes] sa ibang rehiyon, siguro mag-iiba ang kanilang ibabalita sa national news,” dagdag pa niya.
Karamihan daw kasi sa mga naibabalita sa mainstream at social media ay hindi kumakatawan sa pangkalahatang estado ng mga paaralan sa buong bansa.

Matatandaang naging Regional Director ng DepEd SOCCSKSARGEN si Asec. Bringas mula Pebrero hanggang Marso 2021.
Ayon sa kanya, sa maikling pananatili niya rito ay napalapit sa kanyang puso ang rehiyon dahil sa mayamang katutubong kultura nito.
Nagpasalamat si Asec. Bringas sa mainit na pagtanggap sa kanya sa pamamagitan ng isang seremonya kung saan siya ay dinamitan ng katutubong kasuotan ng mga Blaan, ang pamayanang kultural na matatagpuan sa malaking bahagi ng Sarangani.
“Hindi niyo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon na nakasuot ako ng damit ng IP,” aniya.
Kaugnay rito ipinaliwanag niya na ang pagkakakilanlan ng mga katutubo ang magpapatunay sa kaganapan ng mga layunin ng edukasyon.
Kaugnay rito ipinaliwanag niya na ang pagkakakilanlan ng mga katutubo ang magpapatunay sa kaganapan ng mga layunin ng edukasyon.
“Matagumpay ang edukasyon sa isang lugar kung mapapanatili n’yong mayaman ang inyong sariling kultura,” ani Asec. Bringas.
Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, taos na nagpasalamat si Asec. Bringas sa kaguruang SOCCSKSARGEN.
“I know that you have worked so very hard…You were able to stand firm and show the people that in the Department of Education, we don’t give up that easily and that we always rise to the occasion,” pagtatapos niya.