Sinalubong ng Dibisyon ng Sarangani ang pagbubukas ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagsuot ng Filipiniana at Katutubong Kasuotan at mga palamuti.
Sa pangunguna ng Curriculum Implementation Division, naging makulay ang unang flag ceremony sa buwan ng Agosto.
Unang ipinagdiwang ang Linggo ng Wika tuwing ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril ayon sa mando ng Presidential Proclamation No. 35 na nilagdaan ni Pangulong Sergio Osmeña noong 1946.
Itinaon ang pagtatapos ng selebrasyo sa kaarawan ng kinikilalang “Prinsipe ng Manunulang Tagalog” sa si Francisco Balagtas na kilala rin bilang Francisco Baltazar.
Inilipat ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagdiriwang tuwing ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril noong 1954 at muling inilipat sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto sa bisa ng Proclamation No. 186.
Itinaon naman ang pagtatapos ng selebrasyon sa kaarawan ng “Ama ng Wikang Filipino” na si Pangulong Manuel Quezon.
Ginawa namang Buwan ng Wika ang Agosto sa sa Proclamation 1041 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997.
Ngayong taon, ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay, “Filipino at mga Katutubong Wika:Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha.”